top of page

Rising with Pride: Rose Vega comes out on her own terms

Last month, Rose Vega, the breakout star of the hit reality TV show 90 Day Fiancé, became a trending topic online after photos from her shoot with photographer and The Red Whistle Creative Director Niccolo Cosme came out.



Netizens went wild as they expressed their shock and delight after seeing a different side of Rose. Netizens had the same reaction this time last year when Rose was outed as bisexual on international television by her then onscreen partner Big Ed Brown in the Tell All episode of 90 Days Fiancé.


For many fans who have become big supporters of Rose, Big Ed should not have forced Rose to come out and many believe that TLC should have asked Rose if she was comfortable with the airing of the episode.


To end this Pride Month with a bang, The Red Whistle Executive Director Benedict Bernabe sits down with Rose Vega for a special one-on-one interview on her new life and to hear her tell her story in her own terms.



Below is an excerpt of their conversation:


Ben: How do you feel about your newfound fame?

Rose: First time kong ma-experience maging viral, nakaka-shock! It’s a miracle! Di ko inexpect na magiging very supportive yung mga tao sa akin, na maraming makakaintindi sa akin kahit pinakita ko na yung totoong ako.


B: Natakot ka ba to come out?

R: Noong una, may kasamang takot, kaba, saya. Noong una natakot ako kasi di ko alam magiging reaksyon ng tao pero masaya ako kasi inamin ko talaga yung totoo.


B: Does bisexuality define you as a person?

R: Isang part lang po siya ng pagiging si Rose.


B: One of the reasons why you told Big Ed that you were done with him was because he lied to you. How important is honesty and telling the truth to you?

R: Ang iniisip ko po talaga dyan is, kailangan sa relasyon na meron tayo, ang number one talaga ay respeto at tiwala sa isa’t isa kasi di kayo maggo-grow up, di kayo titibay kung walang respeto at walang trust sa isa’t isa.


For me kasi, pag ako may tiwala sa isang tao, yung tiwala ko sa kanya is 100 percent, minsan sobra pa sa 100 percent. Pag binibigay ko ang tiwala ko, gusto ko ganun ka din sa akin. Masarap sa pakiramdam na wala kayong tinatago sa isa’t isa.



B: Many people have a poor understanding of what it means to be bi. I’m sure you have heard the phrase “bi now, gay later” or “bi is just a phase”. What can you say about those statements?

R: Hindi kasi pare-parehas ang isip ng tao. Hindi natin mahahawakan ang utak nila o kung paano sila mag-isip. So lahat nung masasabi nila ay base lamang sa experience o sa nakikita nila sa social media. So sa akin, kung sino ka, ipakita mo. Wag mong sasabihin yung iisipin ng ibang tao. Basta ang importante masaya ka.


B: Saan nanggagaling yung confidence ni Rose? Yung hindi ka takot sabihin yung gusto mo?

A: Yung tapang ko hinuhugot ko lang sa sarili ko, yung paniniwala ko tsaka trust ko sa sarili ko. Kasi wala akong magagawa sa lahat ng bagay na nasa paligid ko. Basta ako malakas ang loob ko. Pinapakita ko lang kung ano nararamdaman ko, kung ano ang gusto kong ipakita sa inyo. Bahala na kayo kung ano ang isipin ninyo sa akin Since bata pa po ako, confident na po ako eh. Pero kailan ko lang siya nalabas ng bonggang-bongga!



B: We met your Papa sa series. Very sweet si Papa, ikaw confident pero respectful. Ganon na ba kayo from the start?

R: Yes. Si Papa super duper sweet siya, medyo strikto lang siya ng konti pero supportive father siya. Kung ano ang gusto ng anak niya, doon siya. Basta ang importante sa kanya, maayos ang lagay mo, okay ka, at di ka sinasaktan.


Never po kami nagkabanggaan. Si Papa, tanggap niya kung sino ka basta ipaliwanag mo yung side mo. Tapos importante sa kanya yung di mawawala yung respeto mo sa sarili mo, respeto mo sa pamilya mo, at respeto mo sa paligid mo. Unang una yung respeto mo sa’yo.


B: Never ba kayong nagka-issue when you came out as bisexual?

R: Nung umpisa na-shock siya pero, siguro, first time kahit sino naman po siguro magugulat na “Okay, ganyan ka pala.” Pero eventually naintindihan niya ako as anak niya. “Bi talaga anak ko, wala na akang magagawa. Support ko na lang siya.” Importante sa kanya yung masaya yung anak niya, tsaka hindi napapariwara.


B: Anong mensahe mo sa mga pamilyang may LGBT members?

R: For me, ang ma-aadvise ko sa ganyang pamilya na may miyembro sila sa pamilya na part ng LGBT, tanggapin. Tanggapin na lang kasi part pa rin ng pamilya. Unawain kung bakit sila ganon, at intindihin kasi sabi nga eh kapag ang pagmamahal ay nagsimula sa pamilya, yung pagmamahal na binigay mo sa kapamilya mo ay hihigitan din ng kapamilya mo pabalik sa’yo.



B: What is your advice to LGBT individuals who don’t have the same confidence level as you do? Kasi parang natural lang sa’yo. Anong iniisip mo? What is your process?

R: Ang iniisip ko po kung kaya malakas ang loob ko is think positive. Maging positibo sa buhay at tinitingnan yung dulo ng mangyayari.


Vision muna. Ano gusto mong mangyari, ano yung vision mo sa dulo. Wag mong iisipin yung sasabihin ng ibang tao kasi di naman sila yung magbibigay sayo ng kung anong meron ka. Di naman sila yung gagalaw sa buhay mo. Ikaw pa rin. Isipin mo na lang na kahit anong sabihin nila, parang gasolina lang yan. Di ka aandar pag wala sila.


B: When did you realize that you were influential?

R: Na-realize ko siya nung parang andami na pong sumusuporta sa akin. “Okay, influencer na pala ako, di ko pa alam!” Parang ganoon po yung pakiramdam. May mga nagsasabi sa akin na nakakainspire po ako, na na-inspire kong mga kagayang kong single moms, mga mommy, mga kababaihan. Sabi ko sa sarili ko, “Okay, kaya ko ‘to. Mas makaka-inspire pa ako ng mas marami.”


B: When you came out as bisexual, did you feel that you were a part of a community? Or was it just a personal decision for you?

R: Nung nag-come out ako, nagdadalawang isip ko. Di ko alam kung paano ako tatanggapin ng tao. Nakilala nila ako bilang si Rose na naghahanap ng partner. Wala na akong magagawa, andito na siya. Andyan ka na, harapin mo na.


So nung nilabas ko siya tapos nakita ko yung pagtanggap ng tao, na-realize ko na, “Okay, mas marami talagang nagmamahal sa akin.” Feel ko na importante ako. Na-feel ko na, okay, di pala hanggang dito lang ako. Nakita na mas maraming tao ang maiinspire ko, di lang sa kababaihan lang na kagaya ko, katulad din ng mga kagaya kong bisexual din.


B: Maraming ka bang narereceive na message na nagpapasalamat na “Thank you for coming out, nakatulong ka sa akin.”?

R: Yes po, marami pong nagme-message sa akin kaso di ko na po ma-replyan lahat sa dami. Thankful pa rin po ako kasi kahit di ko sila nababasa lahat, alam nila na nare-receive ko yung message nila. Nagpasalamat ako kasi kahit sa simpleng paraan lang, natutulungan ko sila.



B: Anong ang mensahe mo para sa LGBT Community? Especially para doon sa mga nakakaranas pa rin ng diskriminasyon?

R: Para sa mga taong hindi ganung kalakasan ang loob o nakakatanggap ng di magagandang salita dahil lang sa sekswalidad na meron sila, pakatatag lang tayo.


Hayaan natin ang sasabihin ng iba. Ang importante sa atin, kung saan tayo masaya. Ang importante kasi is hindi yung tanggap ka ng iba. Ang importante is kung tanggap ka ng pamilya mo. Kung tanggap ka ng pamilya mo, yun na lang ang isipin mo. Wag mo nang isipin ang sasabihin ng ibang tao.


Kung hindi naman, lagi mong tatandaan na matatanggap ka din nila. Siguro ngayon meron talagang mga tao na sa umpisa talaga ang husga pero tandaan mo lagi, anak ka pa rin ni Lord, so si Lord nandyan kung ayaw man nila sayo. Nandyan pa rin Siya para sa iyo.


At mahalaga na tanggap mo rin ang sarili mo. Ang importante dyan, number one, is ikaw mismo tanggap mo kung sino ka.


B: Ano ang ibig sabihin ng Pride Month para sa iyo?

R: Ang ibig sabihin ng Pride Month for me is pride mo sa sarili mo. Pride natin na “Buwan natin ito, ipaglaban natin ‘to.” Pride mo na ipaglalaban mo sarili mo. Pride mo na ‘wag mong itatago yung sarili mo. Wag mong itatago kung ano ka. Importante na ilabas mo.


Coming out is always a personal decision. No one should be forced to come out, whether by family, friends, colleagues, or complete strangers. Not everyone has the same strength and fortitude that Rose has. Imagine if someone not as strong was in her position.


But just because Rose is strong, it doesn’t mean that we can let what Big Ed did to her slide. Rose has every right to reclaim her coming out narrative. Finally, a year after she was forced to do so, Rose Vega now comes out, on her own terms and in her own words, with Pride.


Photographs by Niccolo Cosme

Makeup by Guilly Valenzuela

Hair by Jeff Valenzuela

Gowns by Nat Manilag and Mikee Andrei

Shot at Artisano Studio


Watch the full interview in the video below:



985 views0 comments

Comments


bottom of page